KALITAGSAN - KAILANGAN BA?
Mahal na kaibigan, Marahil ikaw ay nagmamadali o kaya naman ay may
importateng bagay na gagawin, ngunit my higit na mahalagang bagay na dapat mong
malaman muna. Alam mo ba na sa bawat paglakad mo ang Diyos ay laging nakamasid
at nakakaalam lagi ng iyong kalagayan o patutunguhan. Nais Niyang magkamit ka ng
maligayang buhay dito sa lupa at lalong higit doon sa buhay na walang hanggan.
Hindi Niya nais na ikaw ay mapahamak datapwat ang magkamit ka ng kapayapaan at
kasiguruhan ng kaligtasan.
Kaligtasan... kailangan ba? Totoong ito ay napakahalaga dahil sinabi ng
Panginoong Hesus, “Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya and
buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kaniyang buhay?” (Marcos
8:36). Ang Biblia ay maliwanag na nagsasabi, “Sapagkat ang lahat ay
nangagkasala nga at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios?” (Roma 3:23)
“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 6:23). Hebreo 2:3,
“Gayon din naman hindi ka makakaiwas sa parusa ng Dios kapag hindi mo bigyan
ng pansin o pahalagahan ang kaligtasang ito na napakadakila.”
Papaano? Ano and dapat gawin upang
makamtan ang dakilang kaligtasan na ito?
1. Magsisi ng iyong mga kasalanan.
Ayon sa Gawa 17:30, ipinag-uutos ng Diyos na magsisi at talikdan ang kanilang
masamang pamumuhay o kasalanan. Gawa 3:19, “Magsisi kayo at mangagbalik loob
at talikdan ninyo ang inyong mga kasalanan.” Ayon sa 2 Pedro 3:9, Binibigyan
ng Diyos ng pagkakataon ang lahat na makapagsisi at magbalik loob sa Kaniya,
sapagkat hindi Niya nais na kayo’y mapahamak kundi ang lahat ay magsipagsisi.”
“Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at
tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.” (Lukas
13:5).
2. Magpabautismo sa Pangalan ni Jesu-Cristo.
“Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit and hindi
sumampalataya ay parurusahan.” (Marcos 16:16).
“Sumagot si Jesus, Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang
isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.” (Juan 3:3) “Sumagot si Pedro,
Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa
pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin, at ipagkakaloob sa inyo and
Espiritu Santo.” (Gawa 2:38).
3. Tanggapin ang kaloob ng Espiritu Santo.
“Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng
nasa malayo - sa bawat tatawagin ng Panginoon Diyos.” (Gawa 2:39). “... Ang
nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. Ayon sa sinasabi ng Kasulatan, mula sa
puso ng nananalig sa Akin ay dadaloy and tubig ng nagbibigay-buhay.” (Juan
7:37-39) (Tinutukoy Niya ang Espiritung tatanggapin ng mga nananalig sa kanya...
).
Ang tanda ng pagtanggap ng Espiritu Santo ay ang pagsasalita ng ibang mga
wika. (Gawa 2:4; 19:6, 10:45-46).
Para sa karagdagang kaalaman, sumulat o magsadya sa simbahang nagtuturo ng
katotohanan:
- UNITED PENTECOSTAL CHURCH
- No. 7 Lower P. Burgos St., P.O. Box 232
- 2600 Baguio City, Philippines